Kingdom Husband
Texts: Ephesians 5:23–33; 1 Corinthians 11:3; 1 Peter 3:7; Genesis 2:15–18
Introduction
Mga kapatid, tandaan natin: Ang pagiging husband ay hindi lang title, ito ay isang posisyon at responsibilidad mula sa Diyos. (Eph. 5:23)
“Kung may mali sa asawa mo, responsibilidad mo maging deliverer (taga-sagip, hindi taga-sisi) niya.”
Maraming lalaki lumaki na walang modelong ama—single parent, broken home, o abusive na tatay. Kaya minsan wala tayong example paano maging tunay na lalaki o asawa. Pero good news: Sa Diyos, puwede kang magsimula ulit. (2 Cor. 5:17)
Kaya ngayong araw, pag-aaralan natin: Ano ang ibig sabihin ng Kingdom Husband ayon sa Biblia?
Point 1: Headship Defined
Text: 1 Corinthians 11:3 – “Ngunit nais kong malaman ninyo na ang ulo ng bawat lalaki ay si Cristo, ang ulo ng babae ay ang lalaki, at ang ulo ni Cristo ay ang Diyos.”
Ang headship sa Bible ay hindi dictatorship. Hindi ito abusado. Headship means responsible leadership under God. Katulad ng “head of state” – may authority, pero para mag-govern nang tama at para i-advance or isulong ang layunin ng Diyos.
Biblical Principle: Kung ang lalaki ay aligned sa Diyos, mas madali rin sumunod ang pamilya. Pero kung ang lalaki ay out of alignment, buong pamilya ay affected. (Gen. 3:9 “Adam, where are you?”)
Pero paano ba gumagana ang biblical headship? Tatlong major roles ng Kingdom Husband ang tinuturo ng Biblia.
Point 2: Tatlong Core Roles ng Kingdom Husband
A. Savior – Sacrificial Love (Eph. 5:25)
Verse: “Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, kung paanong inibig ni Cristo ang iglesia at ibinigay ang Kaniyang sarili dahil sa kaniya.”
Ang tunay na pag-ibig ay hindi lang emotion, kundi desisyon na magsakripisyo para sa ikabubuti ng asawa.
Si Jesus, naging Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo. Ganito rin dapat ang husband.
Principle: Kung may mali sa asawa, responsibilidad ng lalaki maging tagapagligtas, hindi tagapag-sisi.
Katulad ng ginawa ni Cristo sa krus, ang husband ay tinatawag na “mamatay” sa sarili para sa kapakanan ng kanyang asawa.
B. Sanctifier – Setting Apart as Special (Eph. 5:26–27)
Verse: “Upang kanyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng salita.”
Ang sanctify = i-set apart, gawing espesyal.
Husband must treat his wife as unique, hindi parang common lang.
Illustration: Dining room plates – hindi ginagamit pang-araw-araw, kundi special occasion lang.
Principle: Tulungan ng husband ang asawa na lumago spiritually, emotionally, at personally.
Alam niyo ba? Minsan, kung paano natin tratuhin ang ating asawa, ganoon din siya magre-respond. Kaya sabi nga, “Women were created to respond.”
C. Satisfier – Meeting Needs with Understanding (Eph. 5:28–29; 1 Pet. 3:7)
Verse: “Gayon din naman ang mga lalaki ay nararapat magmahal sa kanilang sariling asawa gaya ng kanilang sariling katawan; ang nagmamahal sa kaniyang sariling asawa ay nagmamahal sa kaniyang sarili.”
Nourish = pakainin, tulungan mag-mature.
Cherish = bigyan ng comfort, init, security.
1 Peter 3:7 – “Mga lalaki, pakitunguhan ninyo ang inyong asawa sa paraang may kaunawaan…”
Ang husband ay thermostat, ang wife ay thermometer. Kung malamig ang dala mo sa bahay, malamig din ang atmosphere ng family. Pero kung mainit ang pagmamahal at pag-aaruga, mararamdaman din ito ng pamilya.
Story: “10 Cows Woman.”
May isang lalaki nagbigay ng sampung baka bilang dowry para sa mabait na anak na babae. Dahil sa halaga na binigay niya, naging pinakamaganda siya.
Lesson: Kung paano mo itrato ang asawa mo, ganoon siya magre-respond.
Point 3: Practical Outworking – Alignment in the Home
Verse: Ephesians 5:31 – “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at makikisama sa kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isang laman.”
Ang lalaki ang unang gumagalaw sa alignment.
God’s order: God → Christ → Husband → Wife → Children. (1 Cor. 11:3)
Kung aligned ang husband sa Diyos, magiging model ang marriage ng relationship ni Christ at ng Church.
Mga kapatid, ang Kingdom Husband ay:
Savior – nagsasakripisyo.
Sanctifier – nagtatangi sa asawa bilang espesyal.
Satisfier – tumutugon sa pangangailangan nang may pang-unawa.
Challenge Verse: Joshua 24:15 – “Ngunit kung ayaw ninyong paglingkuran ang Panginoon… ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kami ay maglilingkod sa Panginoon.”
Challenge: Mga lalaki, will you align under God at maging tunay na Kingdom Husband?
Prayer:
“Panginoon, tulungan mo kaming mga lalaki na maging tulad ni Cristo sa aming mga asawa. Tulungan mo kaming mag-lead, mag-sacrifice, at magbigay ng halaga sa kanila, upang ang aming marriage ay maging larawan ng Iyong pagmamahal sa simbahan. Amen.”