Kingdom Wife

👤 Gerry 📅

 Kingdom Wife


Mga misis… tanong lang…

Paano kung ang problema sa bahay… hindi pera?

Hindi anak…

Hindi third party…

Kundi… wala nang hanay sa desenyo ng Diyos?


May mga babae ngayon… sobrang pagod na. Ginagawa na lahat… pero bakit parang walang kapayapaan sa tahanan?


“At minsan, hindi alam ng mga misis na sobrang halaga pala ng ginagampanan nila sa espiritwal na condisyon ng pamilya.”

 

“May kwento tungkol sa mag-asawa…

Naiwan ni misis yung sasakyan na nakaandar. Galit na galit si mister.

Sabi niya: ‘Hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ka ni Lord na sobrang ganda… pero parang ang tanga mo minsan!’

Ang sagot ng misis…

‘Ginawa ako ni Lord na maganda para mahalin mo ako… at ginawa Niya akong tanga… para mahalin kita.’


Sa totoo lang, maraming babae ngayon… hindi na naa-appreciate. Hindi na nakikita yung tunay nilang halaga.

At kapag kultura ang nagturo sa marriage imbis na si Lord, unti-unting nasisira ang pamilya.

 

Sa Genesis chapter two verse eighteen sinabi ng Diyos,

‘Hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa. Gagawa Ako ng helper suitable for him.’”

Ang ibig sabihin ng helper… hindi katulong.

Hindi mababa.

Hindi extra.

Si Eba ay ginawa ng Diyos upang makumpleto ang pagkatao ni Adan.


At may divine order si Lord.

Una, God.

Pangalawa, Cristo.

Pangatlo, Lalaki.

Pang-apat, Babae.

Hindi ito tungkol sa mas mataas o mas mababa.

Ito ay tungkol sa assignment at alignment.

 

Parang sa kalsada,

May maliit na Kotse… at may malaking truck.

Kahit mas malaki yung truck… siya pa rin ang magbibigay kung yung maliit na sasakyan ang may right of way.

 

Ganun din sa marriage.

Kahit minsan mas matalino si wife, mas successful, o mas malaki ang income…

may kaayusan pa rin sa ilalim ni Lord.

 

Kapag narinig ng iba yung word na ‘submission’, parang negatibo agad.

Pero ang biblical submission… hindi pagiging katulong.

Ibig sabihin, buong-pusong pagpapasakop sa ilalim ng kaayusan ng Diyos.

 

At tandaan ito,

Ang unang loyalty ng babae ay kay Lord.

Kaya kung ang husband ay lumalayo sa Diyos, hindi ibig sabihin susunod ka sa kasalanan.

Mas mataas pa rin ang authority ni Lord.

 

Parang garage door.

Kahit pindot ka nang pindot… hindi bumubukas.

Bakit?

Out of alignment yung sensor.


Ganun din minsan sa marriage.

Ang daming pagsisikap, ang daming iyak, ang daming away pero walang galaw kasi wala nang paghahanay sa desenyo ng Diyos.

 

First Peter chapter three,

Si Sarah ay nagre-respeto kay Abraham, Kahit minsan nagkamali si Abraham.

Imagine, nilagay pa siya sa alanganin.

Pero bakit nanatiling may karangalan si Sarah?

Kasi alam niya… mas mataas si Lord sa sitwasyon.


At anong resulta?

Dumating si Isaac.

Dumating ang milagro.

 

Mga misis,

Minsan hindi niyo alam,

yung respeto ninyo, yung gentle spirit ninyo, yung panalangin ninyo,

yun pala ang ginagamit ni Lord para baguhin ang kundisyon ng tahanan.”


Minsan, yung mister na parang ‘halimaw’ ngayon,

posibleng maging ‘prinsipe’ kapag patuloy siyang nakakakita ng karangalan, respeto at pagmamahal.

 

Kaya ito ang tanong.

Naka-hanay pa ba ako kay Lord sa marriage ko?

Nirerespeto ko pa ba ang papel ng asawa ko… kahit hindi kami laging magkasundo?

At ang mga salita ko ba… nagdadala ng kapayapaan… o puro sugat?


Tandaan,

Ang pagpapasakop ay hindi kahinaan.

Ito ay lakas… sa ilalim ng autoridad ng Diyos.

 

Ang Kingdom Wife hindi perpektong babae.

Siya ay babaeng naiintindihan ang disenyo ng Diyos.

Namumuhay sa pagpapasakop ayon sa bibliya,

At nagbubukas ng pinto para sa milagro ng Diyos sa pamilya.

 

Mga kapatid na babae, handa ba kayong maging Kingdom Wife?

Hindi ayon sa kultura natin,kundi ayon sa kaharian ng Diyos?”


Dahil kapag nakahanay ang pamilya sa Diyos, doon pumapasok ang kapayapaan,  kagalingan, panunumbalik, at milagro ng Diyos.

 

Tayo'y mag-pray. 

Panginoon, salamat po sa Iyong disenyo para sa marriage.

Tulungan Mo ang bawat misis na maging mapagmahal, marunong rumespeto at nagtitiwala sa Iyo higit sa lahat.

Ihanay Mo ang bawat tahanan sa Iyong kalooban.

At buksan Mo ang pinto ng Iyong presensya,  kapayapaan, at milagro sa bawat pamilya.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

 

Kung may natutunan ka rito… i-share mo ito sa isang misis, future wife o pamilya na nangangailangan ng encouragement.